NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 11,995 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas simula Oktubre 17 hanggang 23, 2022.
Base sa weekly case bulletin ng DOH, ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 1,714, mas mababa ng 22 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Oktubre 10 hanggang 16.
Sa mga bagong kaso, 4 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.
Samantala, mayroon namang naitalang 272 na pumanaw kung saan 26 ay naganap noong Oktubre 10 hanggang 23.
Noong Oktubre 23, 2022, mayroong 650 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.
Sa 2,520 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 581 o 23.1% ang okupado habang 5,666 o 26.4% ng 21,474 non-ICU COVID-19.