DOH, nakapagtala ng higit 1.3-K COVID-19 cases nitong Linggo

DOH, nakapagtala ng higit 1.3-K COVID-19 cases nitong Linggo

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,370 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Linggo, Oktubre 30, 2022.

Batay sa pinakahuling update ng DOH, umaabot na sa 20,824 ang nanatiling aktibong kaso sa bansa.

Ayon sa DOH, naitala ang pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa National Capital Region, sunod ang CALABARZON, Central Luzon, Western Visayas at Davao Region.

Nakapagtala rin ng higit 1, 690 na nakarecover habang 38 ang nasawi.

Nananatili namang nasa low risk ang healthcare utilization rate ang bansa na nasa 24.1 percent.

 

Follow SMNI News on Twitter