NAKAPAGTALA ng 12,414 na bagong kaso ang Department of Health (DOH) sa bansa mula Mayo 8 – 14.
Ang karaniwan na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 1,773.
Ayon sa DOH, mas mataas ng 31% ang kaso ngayon kung ikukumpara sa kaso noong Mayo 1 – 7.
Sa bagong kaso, 53 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.
Samantala, walang naitalang pumanaw noong Mayo 1 – 14.