DOH nakapagtala ng mahigit 300 pasyenteng kritikal dahil sa COVID-19

DOH nakapagtala ng mahigit 300 pasyenteng kritikal dahil sa COVID-19

NAKAPAGTALA ng 351 na malubha at kritikal na pasyente na nakaadmit sa ospital dahil sa COVID-19.

Ito ay batay sa latest case bulletin ng Department of Health (DOH).

Samantala, mayroon namang naitalang 58 na pumanaw.

Pagdating sa mga bagong kaso, mula Marso 6 hanggang 12, 983 na bagong COVID-19 cases ang naitala sa bansa.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 140.

Ayon sa DOH, ito ay mas mataas ng 8 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Pebrero 27 hanggang Marso 5.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter