DOH, nangakong susunod sa direktiba ni PRRD ukol sa risk allowance

DOH, nangakong susunod sa direktiba ni PRRD ukol sa risk allowance

NANGAKO ang Department of Health (DOH) na tutugon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ibigay ang Special Risk Allowance (SRA) ng mga health worker sa loob ng 10 araw.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na nakikipagtulungan na sila sa Department of Budget and Management (DBM), Center for Health Development, local authorities at mga ospital para i-proseso ang pagpapalabas ng SRA.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque II, patuloy nilang titiyakin na makukuha ng mga healthcare workers ang kanilang mga benepisyo na naaayon sa batas.

Sinabi ng DOH na gagamitin nila ang P311 million mula sa kanilang contingency fund para makapagbigay ng SRA sa karagdagang 20,000 health workers.

Posible namang masimulan na ngayong araw, Agosto 25 ang pamamahagi ng SRA para sa mahigit 20,000 na healthcare workers.

 

SMNI NEWS