DOH, patuloy na nakatutok sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

DOH, patuloy na nakatutok sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

TINIYAK ng Department of Health (DOH) na nakatutok ito sa pamamagitan ng kanilang Health Emergency and Management Bureau sa nangyaring lindol sa Mindanao kamakailan.

Sa datos ng DOH, as of November 22, pumalo na sa 740 ang bilang ng casualties kung saan 41 ang naka-confine pa rin sa ospital, 689 naman ang outpatients.

730 ang injured habang ang bilang ng namatay ay nasa 11.

Ang mga injured ay nahatiran na ng medical services ng ahensiya.

Nagbigay na ng Mental Health and Psychosocial Support Services ang DOH para sa mga pamilya at estudyante sa pakikipag-ugnayan sa DepEd.

Tiniyak din ng DOH na sa kabila ng pagyanig, ay nanatiling functional ang mga ospital at health facilities doon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter