PINAALALAHANAN ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpabakuna at magpalakas laban sa COVID-19 dahil maraming tao ang inaasahang magdaraos ng mga pagtitipon sa oras ng Pasko.
Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing, paparating na ang Pasko at maraming parties na pupuntahan.
Abiya pa may mga gatherings at reunion ng pamilya kaya ang mga ganitong klaseng kaganapan ay mataas na panganib.
Sinabi ni Vergeire na ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay epektibo sa pagprotekta sa mga tao.
Ani Vergeire na mahalaga ito sa gitna ng pagpapagaan ng mga paghihigpit, partikular na inaprubahan ng gobyerno ang boluntaryong paggamit ng mga face mask sa loob at labas ng bahay.
Samantala pinaalalahanan din ng DOH ang publiko na sumunod pa rin sa mga health protocol at tukuyin kung dapat silang magsuot ng face mask o hindi.