DOH target makapagbakuna sa Samar ng libu-libong kabataan, kababaihan at nakatatanda

DOH target makapagbakuna sa Samar ng libu-libong kabataan, kababaihan at nakatatanda

TINATARGET ng Department of Health (DOH) na marami ang mababakunahang mga kabataan, kababaihan, at nakatatanda sa Calbayog, Samar ngayong World Immunization Week.

Ilan sa maaaring ma-avail na mga bakuna partikular na sa mga sanggol ay para sa tuberculosis, diptheria, pertussis, tetanus, meningitis, hepatitis B, pulmonya, measles at rubella, at para sa polio.

Ang mga kabataang babae ay maaari ding mag-avail ng Human Papillomavirus vaccine na magbibigay proteksyon laban sa cervical at anal cancer.

Ang mga buntis naman na kababaihan ay makatatanggap ng tetanus-diphtheria vaccine.

Ang World Immunization Week ay nag-umpisa noong Abril 24 at magtatagal ito hanggang 30, 2025.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble