Mga ospital at iba pang health facility, isinailalim sa ‘Code White Alert’ ng DOH ngayong Semana Santa

Mga ospital at iba pang health facility, isinailalim sa ‘Code White Alert’ ng DOH ngayong Semana Santa

ISINAILALIM ng Department of Health (DOH) sa ‘Code White Alert’ ang mga ospital at mga health facility bilang bahagi ng kanilang hakbang para sa Semana Santa.

Ibig sabihin, nakahanda ang mga ito sa pagtugon sa anumang uri ng emergency at pagbibigay ng mahahalagang serbisyong pangkalusugan.

Epektibo ang ‘Code White Alert’ noong April 13 at magtatagal hanggang sa April 20.

Binigyang-diin na rin ng DOH sa publiko na habang naghahanda para sa anumang biyahe, gawaing panrelihiyon at pagtitipon ng pamilya ay huwag kalimutan ang kalusugan.

Lalo na ayon sa ahensya at tag-init na, hindi dapat makalimutan ang pag-inom ng tubig.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble