NAGPAHAYAG ng katiyakan ang Department of Health (DOH) na handa ang healthcare system ng bansa sakaling tumaas ang kaso ng COVID-19 pagkatapos ng holiday season.
Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire, ang pinakamahalaga ngayon sa gitna ng inaasahang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay ang kahandaan ng kagawaran sa pagtugon dito.
Ipinatutupad din aniya ng mga ospital sa bansa ang “Accordion Principle” kung saan gumagawa sila ng adjustments para dagdagan ang mga hospital beds.
Mayroon din aniyang nakahandang mga gamot at anti-virals upang mapigilan ang mga severe at critical na kaso ng COVID-19.
Sinabi rin ni Vergeire na naka-alerto na ang lahat ng ospital sa bansa para dito. healthcare system