DOH, tiniyak na hindi bagong virus ang sanhi ng tumataas na kaso ng respiratory illnesses sa China

DOH, tiniyak na hindi bagong virus ang sanhi ng tumataas na kaso ng respiratory illnesses sa China

PINAWI ni Department of Health (DOH) Sec. Ted Herbosa ang pangamba ng publiko hinggil sa tumataas na kaso ng respiratory illness sa China.

Aniya, hindi bagong uri ng virus ang sanhi nito dahil may kaugnayan lang ito sa malamig na panahon lalo na’t winter season ngayon sa China.

Halimbawa sa respiratory illness case ani Herbosa sa nabanggit na China ay ang mycoplasma, pneumonia, flu at respiratory syncytial virus.

Sinabi rin ni Herbosa, hindi pa nakapasok sa Pilipinas ang napaulat na respiratory illnesses sa China lalo na’t magkaiba naman ng panahon aniya ang dalawang bansa.

Samantala, kung magkaroon ng pagtaas ng kaso ng respiratory illnesses sa bansa ay nakahanda na ani Herbosa ang mga ospital.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble