DOJ, nanindigan na sila ang dapat maglitis sa murder case ni Bantag at hindi ang Ombudsman

DOJ, nanindigan na sila ang dapat maglitis sa murder case ni Bantag at hindi ang Ombudsman

KUMBINSIDO ang Department of Justice (DOJ) na ang National Prosecution Service at panel ng prosecutors ang most competent body o mas karapat-dapat na maglitis at magresolba sa kaso ng pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Ayon kay DOJ spokesperson Mico Clavano na ang nature ng kasong murder ay hindi saklaw ng expertise ng Ombudsman na kadalasang nakatutok sa mga kaso na nasa eksklusibong hurisdiksiyon ng Sandiganbayan gaya ng korapsiyon, graft, bribery, malversation at paglabag sa code of ethics ng isang empleyado ng gobyerno.

Subalit ipinaliwanag naman ni Clavano na may ibang mga kaso na maaaring ihain sa Ombudsman laban sa respondent na may kinalaman sa kaniyang opisina gaya ng kontrobersyal na paghuhukay sa loob ng Bilibid, ang umano’y Bilibid zoo at anumang paglabag na nakikita katulad ng paggamit sa opisina ng Bureau of Corrections (BuCor) director general bilang kasangkapan sa pagsasagawa ng krimen kung ang imbestigasyon ay ginagarantiya ang paghahain ng reklamo.

Magugunitang noong Lunes ay naghain ng mosyon ang kampo ni suspended BuCor Chief Gerald Bantag na ilipat ang imbestigasyon sa murder case sa Ombudsman.

Follow SMNI NEWS in Twitter