NAITALA ang pinakamababang halaga ng Domestic Airfare sa Vietnam sa loob ng 5 taon.
Nananatili pa ring mababa ang demand sa kabila ng pagluluwang ng mga restriksyon sa bansa.
Nagkakahalaga na lamang ng VND1.1 million ang round ticket sa pagitan ng Hanoi at Phu Quoc kumpara sa nagdaang mga taon kung saan VND 1.5 million ang pinakamurang Airfare.
Ayon sa VN express, nagkakahalaga na lang ng VND 314,000 hanggang 450,000 ang one-way ticket mula sa Hanoi o Ho Chi Minh patungo sa ilang lalawigan.
Ayon sa carrier, hindi pa rin nila mahikayat ang mga tao na maglakbay dahil marami sa kanila ang nag-aalala pa rin sa panganib na dulot ng COVID-19 at sa travel requirements.
Ayon sa tagapagsalita ng Vietnam Airlines, ipinagpatuloy na ng Airline ang 38 domestic flights at anim na International routes ngunit kakaunti pa rin ang mga pasahero.
Samantala, ipagpapatuloy ng Vietjet ang 48 domestic routes sa Nobyembre 30 at kasalukuyan itong nagaalok ng libreng rapid COVID-19 test para sa mga pasahero na lilipad mula sa Ho Vhi Minh at Hanoi City.