Domestic tourism ng China, bumabangon na muli—Tourism Ministry

Domestic tourism ng China, bumabangon na muli—Tourism Ministry

BUMABANGON na muli ang domestic tourism ng China kasunod ng 5 araw na May Day break.

Ayon sa Ministry of Tourism, nasa 274 million na mga biyahe ang kanilang tala nitong holiday period na nagtapos noong Miyerkules, May 3, 2023.

Doble anila ito kung ikukumpara noong nakaraang taon.

Ang May Day break ay isa sa pinakaimportanteng national holidays sa China.

Samantala, ang minomonitor na lang nila ngayon ay ang airline bookings ng Chinese tourists papuntang ibang bansa.

Ito’y dahil nananatili pa ring nasa kalahati kumpara noong pandemic ang kanilang naitatala.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter