NAGLATAG ng kanilang ulat ang Department of Science and Technology (DOST) at ang Department of the Environment and Natural Resources (DENR) sa isinagawang Cabinet meeting ngayong araw, Agosto 30.
Ito ang inihayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa ginanap na pulong balitaan sa Malakanyang ngayong Martes.
Ani Cruz-Angeles, inilahad ng DOST at DENR ang kanilang report patungkol sa priority programs and projects ng ahensiya.
Batay sa ulat ng DOST, prayoridad ng ahensiya ang paglikha ng technology-based enterprises jobs.
Kabilang din sa priority programs ng ahensiya ang research and development sa iba’t ibang sektor gaya ng enerhiya, pagkain, tubig, kalusugan, at transportasyon.
“Sa DOST ang kanilang mga prayoridad ay creation of technology-based enterprises jobs for regional dev’t. Pangalawa, food security and resilience. Number 3, health security. Number 4, water security and environemntal protection and Number 5, energy,” pahayag ni Cruz-Angeles.
Sa kabilang dako, dalawang paksa ang kasama sa naging ulat ng DENR sa ginanap na Cabinet meeting.
“Dalawa po ang tinalakay ng Dep’t of Environment and Natural Resources, ang isa ay ‘yung kanilang priority programs of course. Pero pina-discuss din sa kanila ng ating Pangulo ang water security,” ani Cruz-Angeles.
Partikular na nasa plano ng DENR, ayon sa Press Secretary, ay ang enhancement ng natural capital accounting system.
Kasama rin dito ang pagbibigay-halaga sa ecosystem services maging ang budget realignment and strategic collaboration sa national government agencies, local government units, private sector, academe at iba pang stakeholders.
Top priorities din ng DENR ang climate change mitigation at freshwater rehabilitation.
Bukod dito, kabilang din sa plano ng ahensiya ang pagpapalakas ng science and technology sa environmental and natural resources management.
“Halimbawa yung balik scientist program ng DOST, improvement of sensors ,sensor networks and analytics. At pangapat promoting green and blue jobs in environmental and natural resources management,” ani Cruz-Angeles.
Samantala, nais naman ni Pangulong Marcos na tutukan ang paglikha ng maraming trabaho sa mga nasa sektor ng DOST at DENR.