NAKIPAGKITA si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia-Frasco kay Bohol Governor Erico Aristotle Aumentado kaugnay sa kontrobersiyal na resort sa Chocolate Hills.
Sa naging pagpupulong, sinabi ni Aumentado na bubuo sila ng bagong komite na magsasagawa ng review sa guidelines na may kaugnayan sa investments and initiatives.
Magiging bahagi rin sa komite ang DOT.
Kung matatandaan, sinabi ng manager ng kontrobersiyal na Captain’s Peak Resort na pinahintulutan sila na makapag-operate kahit pa wala silang Environment Compliance Certificate (ECC).
Sa ngayon ay nakasara na ang resort matapos ipinag-utos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).