DOT at DA magtutulungan para palakasin ang turismo sa bansa

DOT at DA magtutulungan para palakasin ang turismo sa bansa

NANGAKO ang Department of Tourism (DOT) at Department of Agriculture (DA) na palalakasin nila ang industriya ng turismo ng bansa.

Sa pamamagitan ito ng pagtitiyak ng matatag at abot-kayang suplay ng mga lokal na produktong agrikultural na sumasalamin sa kulturang Pilipino at tumutugon sa lumalaking demand ng mga turista.

Sa panig ng DOT, inilunsad nila ang isang plano na nakatuon sa gastronomy tourism, farm tourism development, pagpapabuti ng imprastruktura, at pagpapalakas ng lokal na supply chain.

Ang papel naman ng DA ay ang paghubog ng karanasan ng mga turista mula sa pagkain sa mga hotel at resort, maging sa mga lokal na produkto, at iba pa.

Nilinaw nga lang ng DA na kailangan munang tugunan ang mga isyu sa suplay sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga magsasaka ng cold storage, food processing centers, ice plant, mga binhi, greenhouse, suporta para sa mga hayop at aquaculture.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble