DOT chief, pinuri bilang top-performing na opisyal ng gobyerno

DOT chief, pinuri bilang top-performing na opisyal ng gobyerno

PINURI si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia-Frasco bilang isa sa mga top-performing cabinet officials ng administrasyong Marcos.

Ayon kay Frasco, utang niya ang recognition sa pagiging epektibo ng organisasyon sa pagpapatupad ng mga reporma at programa sa turismo.

Aniya ang resulta ng survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ay isang pagpapatibay ng pagsusumikap ng mga kalalakihan at kababaihan ng kagawaran ng turismo at ng buong industriya at mga sektor na kinabibilangan nito.

Samantala nagpasalamat si Frasco sa RPMD matapos ang kamakailang survey nito na ang DOT chief ay nakakuha ng 71-percent approval rating.

 

 

Follow SMNI News on Twitter