PATULOY na gumagawa ng mga hakbang ang Department of Tourism (DOT) upang maitaas ang bilang ng tourist arrivals sa bansa sa kabila ng mga hamong kinakaharap ng ahensya.
Inihayag ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco na hindi lamang nais ng DOT na maabot ang prepandemic level ng tourist arrival sa bansa kundi ang malagpasan pa ito.
Paliwanag ni Frasco na maraming mga tourist destination sa bansa ang dekalidad at natatangi rin ang Filipino hospitality.
Nasa 3-4 milyon ang projection ng DOT para sa tourist arrival sa 2023.
Pero aminado si Frasco na nagbabago ang kanilang projection dahil sa mga internal at external na kondisyon tulad na lamang ng giyera, pagtaas ng oil prices, at iba pa.
Kaya ani Frasco, nakatuon sila hindi lang sa pagpromote sa Pilipinas kundi ang pagpapabuti ng bansa.
Batay sa huling datos ng ahensya, nakapagtala ang Pilipinas ng halos 2.4 milyong turista simulang buksan ang international borders.
Pinakamaraming turista ang naitala mula sa Estados Unidos, sinundan ng South Korea, Australia, Canada, at United Kingdom.
Ibinida rin ng DOT na kumita ang bansa ng higit P130-B sa tourism sector na higit 2000% na mas mataas kumpara sa kaparehong petsa nakaraang taon.