MAGTATAYO ang Department of Tourism (DOT) ng isang proyekto na may kaugnayan sa coastal tourism sa Brgy. Pawa, Panay, Capiz.
Isinagawa ang groundbreaking ng P12M na ‘Panay: A Coastal Resource Experience Project’ noong Abril 5, 2025.
Sa ilalim ng naturang proyekto, itatayo ang eco-friendly mangrove cottages at ire-rehabilitate ang isang tourist passenger terminal ng lugar.
Magkakaroon din ito ng isang community-based rural tourism program.