NAGLABAS ang Department of Tourism (DOT) ng updated guidelines para sa mas maluwag na health at safety protocols sa mga tourism enterprises, establishment.
Ayon sa DOT na layon nito na maging bukas pa lalo ang bansa para sa mga turista at biyahero.
Batay sa DOT Memorandum Circular 2023-0002, hindi na required ang paggamit ng plastic barriers.
Hindi na rin kailangan magpakita ang isang indibidwal ng proof of vaccination tuwing papasok sa mga establisyemento.
Voluntary na lamang ang pagsuot ng face mask sa loob at labas ng mga tourism establishment.
Hindi na nirerequire sa mga accommodation establishment ang pagsumite ng mga impormasyon ng mga guest.
Hindi na rin mag-iissue ang DOT ng PH Safety Seal at WTTC Safe Travel Stamp sa mga tourism establishment at attraction.