DOT, umaasang ibababa ng iba pang mga bansa ang kanilang travel advisory sa Pilipinas

DOT, umaasang ibababa ng iba pang mga bansa ang kanilang travel advisory sa Pilipinas

MULA ‘avoid non-essential travel’, ibinaba ng gobyerno ng Canada ang kanilang travel advisory sa Davao City at Siargao sa “exercise a high degree of caution”, ayon sa Canadian Embassy.

Ikinatuwa ng Department of Tourism (DOT) ang naging hakbang ng Canada.

Sabi ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco na magsilbi sanang inspirasyon at paalala ito sa mga iba pang bansa na kailangan din nilang i-update ang kanilang travel advisory laban sa Pilipinas.

“We are hopeful that this downgrading by the Canadian Government of its travel advisory against the Philippines will serve as an inspiration and a reminder to the other governments that the travel advisory against our country need to be updated to present-day facts. That is that the Philippines is safe and secure and that Filipinos are more than ready to welcome tourists into our shores,” pahayag ni Sec. Christina Garcia-Frasco, Department of Tourism.

Ang bansang Canada ay isa mga top-source market ng Pilipinas pagdating sa mga turista kasabay ng South Korea, Estados Unidos, Japan, Australia, at China.

Sa ngayon ani Frasco, nagpapatuloy ang kanilang pagsasanay ng mga tourist police at nakapag-deploy na ng higit 7,000 sa mga pangunahing tourist destination.

Kamakailan ay inilunsad rin ng DOT ang kanilang tourist assistance center.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang ahensiya sa Department of National Defense at Department of Interior and Local Government para mapaigting ang seguridad at kapayapaan partikular na sa Mindanao.

“Generally, we are hopeful that the rest of Mindanao will also enjoy a downgrading of any advisories from other countries,” ani Frasco.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble