DOTr ‘di sang-ayon na itigil ang operasyon ng EDSA busway kung matapos na ang MRT-3 upgrading

DOTr ‘di sang-ayon na itigil ang operasyon ng EDSA busway kung matapos na ang MRT-3 upgrading

HINDI sang-ayon ang Department of Transportation (DOTr) sa panukalang itigil ang operasyon ng EDSA busway sakaling makumpleto na ang upgrading ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3.

Ayon sa ahensiya, mas mainam na pagandahin pa ito imbis na alisin, dahil isa ito sa pinakaepektibong pampublikong sistema ng transportasyon sa Metro Manila.

Noong nakaraang taon, 63 milyong commuters ang gumagamit ng EDSA busway, at ngayong Enero 2025, umabot na sa 5.5 milyon ang naitalang pasahero o 177,000 na daily commuters.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter