DOTr mas pinaigting ang kampanya laban kontra pekeng lisensiya

DOTr mas pinaigting ang kampanya laban kontra pekeng lisensiya

PINAIGTING ng Department of Transportation (DOTr) ang kampanya laban sa pagbebenta ng pekeng driver’s license at mga dokumento.

Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, ang masasangkot sa ganitong ilegal na mga gawain ay may parusang hanggang 12 taong pagkakakulong.

Sinabi naman ni Dizon na may one-day license processing na rin para sa mga kwalipikadong aplikante, kasabay ng mga repormang layong sugpuin ang katiwalian.

Samantala, may babala rin si Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza sa mga bumibili ng pekeng dokumento.

Aniya, maaaring makasuhan at hindi na muling makakakuha ng lisensiya ang mga ito.

Matatandaang naaresto kamakailan ang isang lalaki sa Valenzuela matapos mahuling nagbebenta ng pekeng lisensiya at ID sa social media.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble