DOTr, pinabulaanan ang ulat na kaunti lang ang sumali sa PUV consolidation

DOTr, pinabulaanan ang ulat na kaunti lang ang sumali sa PUV consolidation

PINABULAANAN ng Department of Transportation (DOTr) ang ulat ng mga transport group na kaunti lang ang sumunod sa Metro Manila sa itinakdang December 31 deadline sa PUV consolidation.

Bagama’t hindi na isiniwalat ang bilang, sinabi ng ahensiya na marami ang nag-aplay ng franchise consolidation bago matapos ang deadline.

Ang iba pa anila ay hinayaang makapag-aplay kahit hindi nakapagbayad sa mga dapat bayaran kaugnay sa aplikasyon.

Kaugnay rito ay simula Enero 2, 2024 ay ipinanawagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bayaran na ng mga hindi nakapagbayad na aplikante ang kanilang dapat bayaran para maisama sila sa final consolidation report.

Hinggil sa mga hindi talaga sumali sa consolidation, sinabi ng DOTr at LTFRB na maaari pa bumiyahe ang mga ito hanggang Enero 31.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble