IPINAGMAMALAKI ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang legacy ng Duterte administration sa sektor ng aviation.
Bagama’t mayroon na lamang 64 araw ang nalalabi bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kabilang sa mga “Duterte Legacy” ang pagpapalago sa sektor ng aviation industry.
Sa isang pulong balitaan sa ginanap na 200 Million Juan ng Cebu Pacific Airlines sa Mactan Cebu International Airport kahapon, buong pagmamalaki ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang mga inilatag na mga tulong ng Duterte legacy sa pagpapalago sa sektor ng airline industry.
Ayon kay Tugade, sa loob ng anim na taong termino ni Pangulong Duterte ay nakapagpatayo ng mga bagong domestic at international airport na may modernong kagamitan na kayang lumipad at lumapag ng mga eroplano kahit sa gabi sa mahigit 100 paliparan sa bansa.
Habang umakyat naman sa mahigit 243 pantalan ng barko, 2,709 tulay, at 9,845 km sementadong kalsada, kabilang na dito ang mga road repairs; rehabilitation, upgrades, road widening, at expansion ng iba’t ibang imprastraktura sa ilalim ng Build Build Build program ng Duterte Administration.
Paliwanag ni Tugade, sa 100 airports projects ay kasama na rito ang modernization at rehabilitation ng Tacloban Airport, Ormoc Airport, pagsasaayos ng domestic airport ng Camiguin, Virac, Catanduanes, Tuguegarao City sa Cagayan, Bohol-Panglao International Airport, Lal-lo International Airport sa Cagayan, Sangley Airport sa Cavite, at ang bagong terminal ng Mactan-Cebu International Airport pati na rin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Isa rin sa maipagmamalaki ni Tugade ang legacy ng Duterte administration ay ang night rated capacity na umabot ng 20 na dati rati hindi pa aabot ng sampu.
Radar na dati rati ay nasa tatlo lamang pero pagdating ng Duterte Administration ay nadagdagan pa ito ng sampu.