DOTr sa railway operators: Higpitan ang face mask mandate

DOTr sa railway operators: Higpitan ang face mask mandate

INATASAN ng Department of Transportation (DOTr) ang mga railway operator na paigtingin pa ang pagpapatupad ng face mask mandate.

Iniulat kamakailan ng Department of Health (DOH) ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 virus sa Metro Manila.

Sa datos ng DOH, tumaas ng 42% ang average daily new COVID-19 cases na naitala mula April 24 – 30, 2023.

Kung kaya, inatasan ng DOTr ang mga railway operator na higpitan pa ang pagpapatupad ng face mask protocol sa kanilang sektor.

 “The Department of Transportation would like to remind all rail operators to remain vigilant and ramp up preventive measures against COVID-19, as the number of cases is still on the rise,” saad ng DOTr.

Sa isang pahayag, sinabi ni Transportation Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, pinaalalahanan nito ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT), at Philippine National Railways (PNR) na tiyaking nakasuot ng face mask ang mga pasahero sa lahat ng oras.

 “As such, we direct all rail operators to strictly enforce the wearing of face masks in all trains and stations,” Asec. for Railways Jorjette Aquino, DOTr.

Sakaling makaranas ng sintomas ng COVID-19 ang mga opisyal, kawani at mga tauhan ng rail sector, inatasan ni Aquino ang mga ito na agad sumailalim sa mandatory testing.

“Furthermore, we require all officials, employees, and personnel in the railways sector to undergo mandatory COVID-19 testing should anyone suffer from symptoms of the virus,” ani Asec. for Railways Jorjette Aquino, DOTr.

Mahigpit ding binilinan ng DOTr sa publiko na iwasan ang pakikipag-usap sa kapwa pasahero o pagsagot sa tawag sa cellphone habang nasa tren upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

 “Talking with fellow commuters or on the phone inside trains is strictly prohibited to prevent the spread of COVID-19,” pahayag ni Asec. for Railways Jorjette Aquino, DOTr.

Hinihikayat naman ni Aquino ang publiko na makipagtulungan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat indibidwal.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter