AARANGKADA na sa Davao Region ang pagkakaroon ng isang bus-based public transportation system.
Ito ay ang Davao Public Transport Modernization Project (DPTMP) na kapareho sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Ang DPTMP o Davao Bus ay kinapalolooban ng bus lane, depot at terminal sa isang network route na higit sa 600 kilometro.
Gagamitin ng Davao Bus project ang modern buses na nakasunod sa PUVMP.
Ang naturang programa ay pinondohan ng Asian Development Bank (ADB) na mayroong 672-kilometer project.
Ito ay may siyam na ruta na ikokonekta sa mga pangunahing lugar sa Davao City, Panabo City, at Davao del Norte.
Ang proyekto ay lilikha ng intelligent transport system isang environment-friendly buses at modernized PUVs na may standardized operations at maaasahang bus schedules.
Ang Davao Bus ay isang pinalawak na bersiyon ng EDSA busway sa Metro Manila.