NAGTAYO ng isang bailey bridge ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bayambang Pangasinan.
Ito ay habang nagpapatuloy ang pagsasaayos ng Carlos P. Romulo Bridge na gumuho noong nakaraang buwan.
Madadaanan ng nasabing tulay ang Agno Rivers patungong Brgy. Wawa sa Northern Bank River at Brgy. San Vicente sa Southern Bank.
Nagpaabot naman ng pasasalmat si dating Mayor Cezar Quiambao sa DPWH sa paglalagay ng bailey bridge sa kanilang lungsod.