DPWH, sinimulan na ang paglalagay ng concrete girders para sa Guicam Bridge sa Zamboanga Sibugay

DPWH, sinimulan na ang paglalagay ng concrete girders para sa Guicam Bridge sa Zamboanga Sibugay

SINIMULAN na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paglalagay ng pre-stressed concrete deck girders para sa Guicam Bridge sa Zamboanga Sibugay.

Sa ulat ni DPWH Sec. Manuel Bonoan, matagumpay na nailagay ang apat na concrete girders sa pagitan ng abutment a at Pier 1 ng naturang tulay.

Ang 540.80 meters na Guicam Bridge ay nagkakahalaga ng 1.155 billion pesos.

Isa itong mahalagang inter-island infrastructure project na kung makukumpleto ay mag-uugnay sa isla ng Olutanga at sa Mainland sa Alicia, Zamboanga Sibugay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble