MATATANDAANG si Atty. Virgilio Garcia ang naghain ng disqualification case laban sa mga Tulfo, na kinabibilangan nina Erwin Tulfo, Ben Tulfo, Wanda Tulfo-Teo, at dalawa pa nilang kamag-anak.
Si Erwin at Ben ay parehong tumatakbo sa pagka-senador, habang si Wanda naman ang 1st nominee ng Turismo Partylist.
Ang mag-ina ni Senator Raffy Tulfo, na kasama rin sa petisyon ay mga kandidato nam sa lokal na posisyon.
Sa inilabas na kautusan ng dibisyon, ipinunto nito na bigo ang petitioner na magsumite ng mahahalagang dokumento—kabilang ang Certificates of Candidacy (COCs) ng mga respondent—na mahalaga para maberipika ang impormasyon tungkol sa alegasyon.
Dahil dito, hindi rin daw mabeberipika ng COMELEC kung naiparating sa mga respondent ang reklamo para sa pagkakataon na makasagot sila sa petisyon.
Ayon kay COMELEC Chairman Atty. George Garcia, naging mabilis ang pagbasura sa petisyon dahil sa technicality.
Dahil dto, Hindi na raw kinakailangang dumaan pa sa mas malalim na deliberasyon ang kaso.
Sa kabila nito, nilinaw ng COMELEC na may pagkakataon pa ang petitioner na umapela at iakyat ang kaso sa COMELEC En Banc para makapagbigay ng paliwanag.kung bakit hindi ito nakapagbigay ng mg kailangang attachements.
Opsyon din ng petisyuner na i-refile na lang ang petisyon.
Agad namang naglabas ng pahayag si Erwin Tulfo matapos ang desisyon ng COMELEC 1st Division.
Lubos ang kanyang pasasalamat sa naging hatol ng dibisyon, lalo na aniya’t mula ito sa patas at makatarungang proseso.
“Una, nais ko pong magpasalamat sa Poong Maykapal. Taos-puso rin akong nagpapasalamat sa 1st Division ng Commission on Elections para sa makatarungan at patas na desisyon nito sa petisyon para ma-disqualify ako bilang kandidato sa May 2025 Senatorial race,” ayon kay Rep. Erwin Tulfo, ACT-CIS Partylist.
Bagama’t nalusutan ni Erwin Tulfo ang isang DQ case, may isa pa siyang disqualification case na kinahaharap sa COMELEC.
Matatandaang magkahiwalay ang mga petisyong isinampa laban sa kanya—isa hinggil sa kanyang citizenship, at isa pa kaugnay ng isyu ng political dynasty at kanyang dating conviction sa kasong libel.
Sa ngayon, ang kasong ito ay hawak na rin ng COMELEC 1st Division.