DQ case vs. Tulfos, isasalang na sa COMELEC En Banc ngayong linggo

DQ case vs. Tulfos, isasalang na sa COMELEC En Banc ngayong linggo

NGAYONG linggo na nakatakdang talakayin ng Commission on Elections (COMELEC) sa kanilang En Banc session ang petisyong humihiling ng diskwalipikasyon laban sa magkakapatid na sina Erwin, Ben, at Wanda Tulfo.

Kasama na rin dito ang iba pa nilang kamag-anak na tumatakbo sa darating na Mayo 12 elections.

Ayon kay COMELEC Chairman Atty. George Garcia, isa ito sa mga pangunahing agenda sa En Banc session sa darating na Miyerkules, kung saan tatalakayin kung ibabasura o ipapataw ang disqualification case laban sa mga Tulfo.

Sa ngayon, may initial findings na raw ang COMELEC kaugnay sa petisyon, pero hindi pa ito inilalantad sa publiko.

Matatandaang isinampa ang petisyon dahil sa dalawang pangunahing isyu: ang citizenship ng mga Tulfo at ang pagiging bahagi ng kanilang pamilya sa political dynasty.

Sakaling magpatuloy ang kandidatura nina Erwin at Ben Tulfo sa senatorial race at parehong manalo ay magkakaroon ng tatlong Tulfo sa Senado, isang sitwasyong tiyak na babantayan ng publiko.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter