HINDI pa rin nawawala ang agam-agam ng ilan sa resulta ng 2025 midterm elections. Kabilang sa mga kumukwestiyon dito si dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Dr. Lorraine Badoy, na naglabas ng kaniyang personal na saloobin sa lagay ng electoral process sa bansa.
Nauna nang kinuwestiyon ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) spokesperson na si Ana Singson ang transmission data ng halalan. Aniya, habang 79.9% pa lamang ng election returns ang kanilang natatanggap, ipinapakita sa dashboard ng COMELEC na nasa 98% na umano ang kanilang hawak.
“We’re all at 79.9% transmission and I’m very happy that we’re aligning on that… but if you look at the COMELEC, so we’re all seeing 79.9%, if you look at the COMELEC dashboard and their website, they already have eyes on 98% of the transmissions, but we have eyes only on the 79.9 [%]. Where is the 18% that we’re not seeing?” ayon kay Ana Singson, Spokesperson, PPCRV.
Bagama’t iginiit ng PPCRV ang kanilang tiwala sa COMELEC, umalingawngaw ang tanong na ito sa marami, kabilang si Dr. Badoy na ilang beses binigyang-diin ang kahalagahan ng transparency sa proseso ng halalan.
“For as long as boses ng tao ‘yan, siyempre susunod tayo kasi demokrasya tayo, ‘di ba? Pero pag ang elections ay tainted at hindi kapanipaniwala at maraming anomalya, maraming na-disfranchise tulad ng naririnig natin sa OFWs, malaki problema natin pag ganyan ‘yung lumalabas. So, it’s really not so much kung sino, but yung liwanag, ‘yung integrity ng electoral process, na-preserve ba ‘yon? So ‘yon ‘yung kailangan i-prove ng COMELEC,” wika ni Dr. Lorraine Badoy, Former PCOO Undersecretary.
Nagpahayag rin siya ng pagkabahala sa mga numerong lumalabas, lalo na’t tila hindi raw ito tugma sa pulso ng taumbayan.
“Parang hindi credible, ‘di ba?”
“So, what we are seeing right now is not a surprise to me. Itong mga anomalya na ‘yan. Even BBM when he voted, it’s the same thing, ‘di ba? Tatlong beses siya nag-try pero sinusuka ‘yung balota niya.”
“Yung democratic process natin, wala na. Yung Saligang Batas, wala na. Paano ko alam ‘yon? Alam natin ‘yon, kitang-kita ‘yon. Meron pang mga admin candidates na nakakapasok—parang it doesn’t tie up with the -29% trust rating of the President. So many things don’t add up,” ani Badoy.
Ayon pa sa kaniya, ang ulat ng PPCRV ay dapat ikabahala ng publiko.
“Yung report ng PPCRV is concerning, ‘di ba? Kasi nga sinabi, unprecedented. Kasi kapag ang voting ay hindi maayos ‘yung results, then yung demokrasya natin ay ilusyon lang. So, we’re still hoping na may sagot dito,” giit nito.
Giit ni Dr. Badoy, hindi sapat ang simpleng paliwanag. Kailangan ng masusing imbestigasyon upang matukoy kung tunay bang boses ng taumbayan ang lumabas sa resulta.
Nilinaw rin niyang hindi ito dahil sa pagkatalo ng kaniyang panig.
“I want to clarify first bago ako magsabi ng opinion—baka sabihin, sourgraping. Hindi, hindi ako sourgraping. Kasi honestly, I’m very detached from the results. I will really bow down to the voice of the people.”
“Lagi kong sinasabi naman, manalo o matalo, tutuloy pa rin ang laban. So, disclaimer ko ‘yon. Ang hinahanap natin, hinahanap ko, nating lahat, yung resulta ng elections na boses ng tao. So kapag ang report that’s concerning from the PPCRV ay ‘yon ang lalabas, then nakakatakot. Nakakalungkot,” aniya pa.
Ang kaniyang pangunahing tanong: naipakita ba ng halalan ang tunay na boses ng taumbayan?
Ayon kay Dr. Badoy, kung mananatiling walang linaw ang mga katanungan, ito raw ay maaaring maging simula ng madilim na kabanata sa kasaysayan ng bansa.
“So, for me, this elections, if they’re not going to have any—kung ‘di makita ang credibility and integrity ng electoral processes—then we’re going to be entering a very dark chapter in history kasi ang alam ko, ang Pilipino, hindi papayag,” dagdag nito.
Para sa marami, ang mga sinabi ni Dr. Badoy ay salamin ng sentimyento ng ilang mamamayan—na sa bawat aberya at glitch sa halalan, unti-unting nababawasan ang tiwala sa sistemang pang-eleksiyon ng bansa.