Muntinlupa, Philippines – Sa isang makulay na rally ng DuterTEN na ginanap sa The Tent, Alabang, muling ipinaabot ni Dr. Marites Mata ang kanyang mensahe sa mga botante: Huwag magpadala sa mga ayuda ng mga politiko.
Ayon kay Dr. Mata, abala ang pamahalaang Marcos Jr. sa pamumudmod ng ayuda imbes na unahing pagandahin ang sistema ng serbisyong pangkalusugan sa bansa.
Payo niya sa mga tao na huwag magpadala sa mga ayuda ng mga politiko bagkus gamitin ang kaalaman at kapangyarihang bumoto ng tamang kandidato ngayong darating na Mayo a-dose partikular na ang PDP Laban DuterTEN slate.
“Hindi tayo dapat magpadala sa mga pansamantalang ayuda. Ang tunay na solusyon ay ang pagpapabuti ng ating sistema ng kalusugan,”ani Dr. Mata.
Ipinunto niya na sa halip na magbigay pansin sa pamamahagi ng ayuda, mas mainam na pagtuunan ng pansin ang pagpapabuti ng sistema ng serbisyong pangkalusugan sa bansa.