Drones, gagamitin na sa palay production sa bansa—DA

Drones, gagamitin na sa palay production sa bansa—DA

NAGLAAN ang Department of Agriculture (DA) ng P300M para sa drones na gagamitin sa produksiyon ng palay sa bansa.

Sa pahayag ni DA National Rice Program Deputy Program Director Glenn Estrada, inisyal na target ng drones4rice project nila ang nasa 150,000 na ektarya ng palay plantations.

Kung magtatagumpay ay nakatutulong ang drones4rice project ng DA para mabawasan ang halaga ng palay production.

Ibig sabihin, bababa na rin ang retail price ng bigas sa mga pamilihan.

Hindi na rin gaanong kinakailangan ang manual labor dahil dito.

Sa paggamit ng drone sa palay production, nasa P8K lang ayon sa ahensiya ang kakailanganin ng isang magsasaka.

Kumpara ito sa P12K na labor cost kung manual labor ang pipiliin.

Mahihikayat din anila ang mga kabataan sa farming dahil dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble