INIUTOS na ng Muntinlupa Regional Trial Court na isumite sa Office of the Clerk of Court ang records ng kasong kaugnay sa drug case ni dating Senator Leila de Lima.
Layunin nito na agad magsagawa ng pag-raffle sa nasabing kaso para magtalaga ng panibagong judge na hahawak sa naturang kaso.
Kahapon kasi ay nagbitiw sa paghawak sa nasabing drug case si Judge Abraham Joseph Alcantara, bilang tugon sa motion for voluntary inhibition o kahilingan ng prosekusyon na bitiwan niya ang kaso.
Dahil diyan ay kinansela ang nakatakda sanang paglilitis na unang itinakda kaninang 8:30 am at muli na lang itatakda ang petsa ng paglilitis kapag may naitalaga nang bagong judge na hahawak sa nasabing kaso.