Drug den sa Cavite, natunton ng mga awtoridad, 4 suspek arestado

Drug den sa Cavite, natunton ng mga awtoridad, 4 suspek arestado

ISINAGAWA ng mga operatiba mula sa Bacoor City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Laguna Provincial Office ang noon sana ay buy-bust operation lang sa Brgy. San Nicolas III, Bacoor City, Cavite nitong Mayo 15, 2023, 9pm.

Ngunit sa nasabing operasyon din napag-alaman ng mga awtoridad na isa palang drug den ang kanilang napasok.

Ang naturang drug den sa nabanggit na lugar ay pinapatakbo ng nahuling suspek na kinilalang si Genesis Mangarin.

Habang nahuli rin ng operatiba ang 3 pang drug personalities na kinilalang sina John Victor Loduvico alias Ikoy, Ricardo de Guzman at Noah Mangarin.

Humigit kumulang 10 gramo ng hinihinalang shabu ang nakuha ng awtoridad na nagkakahalaga ng aabot sa P69-K buy-bust money, at mga drug paraphernalia.

Kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isasampa laban sa mga nahuling suspek.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter