Drug den sa Panglao, Bohol sinalakay ng PDEA; 3 suspek, arestado

Drug den sa Panglao, Bohol sinalakay ng PDEA; 3 suspek, arestado

ARESTADO ang tatlong suspek matapos salakayin ng mga tauhan ng PDEA Bohol Provincial Office, katuwang ang Panglao Police Station at PNP Drug Enforcement Group, ang isang drug den sa Brgy. Tangnan, Panglao, Bohol, noong Pebrero 25, 2025.

Kinilala ang mga suspek na sina Silvio, 52 anyos (drug den maintainer at subject ng operasyon), alias Venerando, 32 anyos, at alias Jay, 45 anyos—pawang walang trabaho at residente ng nasabing barangay.

Nasamsam sa operasyon ang 10 pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 8 gramo at may tinatayang halagang P54,400.

Narekober din ang 3 piraso ng improvised drug paraphernalia na may bakas ng hinihinalang shabu, buy-bust money, P400 na hinihinalang kita mula sa pagbebenta ng ilegal na droga, 3 cellphone, at iba pang gamit na may kaugnayan sa droga.

Ang mga nakumpiskang ebidensiya ay ipinadala sa PNP Bohol Forensic Unit para sa chemical analysis at tamang disposisyon.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble