Drug personality, arestado sa buy-bust operation sa Bacnotan, La Union

Drug personality, arestado sa buy-bust operation sa Bacnotan, La Union

LA UNION — Arestado ang isang kilalang drug personality sa isang matagumpay na buy-bust operation na isinagawa sa Barangay San Martin, Bacnotan, La Union ng mga operatiba mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region I, La Union Police Provincial Office, Bacnotan Police Station, at 1st La Union Provincial Mobile Force Company.

Kinilala ng mga otoridad ang suspek sa alyas na “Mata”, 38 taong gulang, at residente ng nasabing barangay.

Nakumpiska mula sa kanya ang tatlong (3) piraso ng heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, na tinatayang may timbang na mahigit 2 gramo at may street value na P13,000. Nakuha rin mula sa suspek ang isang mobile phone at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Kasalukuyang nakapiit si Mata sa PDEA Region I jail facility sa Camp Diego Silang, Carlatan, San Fernando City, La Union, at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Selling) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy ang paalala ng mga otoridad sa publiko na makiisa sa kampanya kontra droga sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa mga awtoridad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble