PALALAKASIN pa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region ang drug prevention nito laban sa ilegal na droga sa lalawigan ng Zamboanga.
Ito ay bilang bilang pagtugon sa mandato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa drug abuse prevention ng rehiyon.
Ayon kay Darmalyn Jumlail-Information Officer ng PDEA 9, nakatuon ang kanilang ahensiya sa prevention activity sa pamamagitan ng pagbibigay ng kamalayan sa mga paaralan, workplaces at sa mga barangay sa buong rehiyon.
Ani Jumlail, sa ngayon gumagawa sila ng mga anti-drug advocacies sa mga paaralan, mga pampublikong lugar at lalo na sa mga drug affected area.
Sinabi rin ni Jumlail na nakatuon ang kanilang ahensiya sa prevention lalo na sa pagbibigay edukasyon sa mga kabataan kung ano ang epekto ng ilegal na droga.
“We have to focus on prevention, specifically in educating the youth on the ill effects of illegal drugs,” ayon kay Darmalyn Jumlail-Information Officer-PDEA Region 9.
Gayunpaman, pinalalakas din ng kanilang ahensiya ang Anti-Drug Abuse Council upang mapalakas ang paglaban sa ilegal na droga kahit na mayroon silang kakulangan sa mga tauhan.
Sa kabilang banda, sinabi ni Jumlail na naka-focus din ang PDEA-9 sa kanilang anti-drug operation at pag-aresto sa mga target-listed na mga drug suspect kasama ang buong puwersa ng awtoridad.
Samantala, patuloy naman ang kanilang ginagawang luggage inspections kamasa ang mga K9 units sa airport, bus, at wharf passenger terminal.
Mula ng buwan ng Enero 2023, ang PDEA-9 ay nakapagsagawa ng 280 K9 inspections.
Dagdag pa ni Jumlain, nakapag-implementa rin sila ng barangay drug clearing programs sa barangay sa rehiyon at ito ay naging epektibo.
Sa datos ng PDEA-9, sa 1,904 barangay sa rehiyon, 1,334 nito ang naging drug cleared na at mayroon na lamang 455 na barangay na apektado ng ipinagbabawal na droga.