DSWD, ipinasuri sa FDA ang umano’y expired canned goods na ipinamigay sa Oriental Mindoro

DSWD, ipinasuri sa FDA ang umano’y expired canned goods na ipinamigay sa Oriental Mindoro

IPINASURI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Food and Drug Administration (FDA) ang umano’y expired na delatang-tuna na ipinamahagi sa mga residente sa Oriental Mindoro.

Nakatanggap ang DSWD Field Office MIMAROPA ng complaints noong Mayo 5 dahil sa ipinamahaging delatang-tuna na may mabahong amoy at kakaibang lasa na umano’y expired na.

“The complaints range from having “unacceptable and unusual taste” to being “unpalatable” and “smells like rotten eggs,” ayon sa DSWD Field Office-MIMAROPA.

Dahil dito, ipinag-utos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pagbuo ng fact-finding board upang tugunan ang problema.

Ipinakonsulta ng ahensiya sa FDA ang umano’y expired canned goods na ipinamahaging ayuda sa mga residente.

Ipinasuri na nila sa FDA ang sample ng de-latang tuna kasabay na rin sa rekomendasyon ng fact-finding board.

Kasunod na rin ito sa nangyaring pagpupulong sa mga kinatawan ng dalawang suppliers ng Ocean’s Best Tuna na kabilang sa mga food items sa family food packs (FFPs).

Punto ng ahensiya, magsisilbing third party ang FDA para idetermina kung ang Ocean’s Best Tuna ay ligtas para kainin ng mga benepisaryo ng ahensiya.

Pero, sa ngayon ay hinihintay pa ang resulta ng isinagawang pagsusuri ng FDA.

“The DSWD will wait for the results of the FDA tests as this will determine objectively and scientifically whether the questioned canned tuna flakes is really safe for the consumption of the beneficiaries or not,” saad ni Secretary Lopez, Spokesperson, DSWD.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter