NAKATAKDANG mag-alok ng trabaho ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga benepisyaryong nagtapos sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa pamamagitan ng programang Trabaho Para sa 4Ps, target ng ahensiya na matulungan ang 12,000 indibidwal na makahanap ng trabaho sa isasagawang job fairs. Magsisimula ang serye ng job fairs sa National Capital Region (NCR) sa Enero 31, 2025.
Bilang karagdagang tulong, ang mga makakakuha ng trabaho ay tatanggap ng tig-P3,000 bilang financial assistance upang magamit sa pagkuha ng pre-employment documents.