DSWD, namahagi ng buwanang social pension sa mga senior citizens

DSWD, namahagi ng buwanang social pension sa mga senior citizens

DAAN-DAANG senior citizens, tumanggap na ng P1,000 buwanang social pension mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) simula ngayong araw, Pebrero 2.

Sa kabuuan, nasa P6,000 ang natanggap ng mga ito para sa buwan ng Enero hanggang sa Hunyo.

Ito ay sa ilalim ng Republic Act 11916 o ang Act Increasing the Social Pension of Indigent Senior Citizens na noon ay nasa P500 lamang.

Layunin ng batas na matulungan pa ang mga ito sa epekto ng mataas na inflation sa bansa.

Mamayang alas-diyes ng umaga ang ceremonial social pension payout na pangungunahan ni DSWD Sec. Rex Gatchalian kasama si First Lady Liza Araneta Marcos.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter