DSWD namahagi ng tulong sa mga stranded na pasahero na apektado ng pagsasaayos ng San Juanico Bridge

DSWD namahagi ng tulong sa mga stranded na pasahero na apektado ng pagsasaayos ng San Juanico Bridge

NAGPAABOT ng tulong ang Department of Social Welfare and Development-Field Office Eastern Visayas (DSWD-8) sa mga pasaherong na-stranded dahil sa ipinatutupad na travel restrictions bunsod ng pagkukumpuni sa San Juanico Bridge.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, namahagi ang ahensya ng 211 kahon ng Family Food Packs na may kabuuang halagang P135,472.55 para sa mga driver, biyahero, at pasaherong pansamantalang naipit sa lugar malapit sa tulay.

“Upon the instructions of Secretary Rex Gatchalian, the Field Office-8 immediately provided FFPs to all the affected truckers, porters, drivers and passengers,” wika ni Asec. Irene Dumlao, DSWD.

Bukod sa food packs, nakatakda ring mag-deploy ang DSWD Region 8 ng mobile kitchen upang makapagbigay ng mainit na pagkain sa mga na-stranded na indibidwal.

“We will meet with local governments on how to assist the stranded passengers,” ani Grace Subong, Regional Director, DSWD Region-8.

Ang pagbibigay ng ayuda ay tugon sa epekto ng bagong patakaran ng DPWH, kung saan naglagay ito ng mga barrier sa 2.16-kilometrong San Juanico Bridge.

Bilang pag-iingat, ipinagbawal muna ang pagdaan ng cargo trucks at mga bus na may bigat na lampas 3 tonelada, upang maiwasan ang posibleng pagkasira pa ng tulay.

Dahil dito, nagkaroon ng mabigat na trapiko sa magkabilang bahagi ng Leyte at Samar.

Patuloy na nakatutok ang DSWD sa sitwasyon upang matiyak na walang mga Pilipino ang mapapabayaan habang isinasagawa ang pagkukumpuni sa makasaysayang tulay.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble