DSWD Sec. Tulfo, kinondena ang ginawang panggugulo ng armadong grupo sa Mindoro

DSWD Sec. Tulfo, kinondena ang ginawang panggugulo ng armadong grupo sa Mindoro

KINONDENA ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo ang ginawang pananambang ng armadong grupo sa militar sa Sitio Tiyabong, Brgy. Ligaya, Sablayan sa Occidental Mindoro nitong nagdaang araw.

Daan-daan pamilya ang naapektuhan sa naganap na engkwentro.

“Ito po ay nakakasakit kagaya ng mga kababayan natin namumuhay nang tahimik, marangal at sila at tatamaan ng cross fire kahit sino naman po di matutuwa,” pahayag ni Sec. Tulfo.

Aniya, apektado sa panghaharas ang mga maralitang Pilipino na tahimik na nagtatrabaho at naninirahan sa mga kabukiran.

Samantala, pinuri naman ni Tulfo ang mga regional director na agad umaaksyon sa mga Pilipino na apektado ng mga kaguluhan.

Aniya kahon-kahong pagkain ang ipinamigay ng ahensya para sa apektadong pamilya.

“Una po sa lahat, nais kong magpasalamat sa lahat po ng mga field offices for responding dito po sa mga ilang kalamidad na happened during the weekend, during the week. Nandyan ang CAR, nandyan ang Region IV-B. Just in case hindi nyo alam may nangyari bakbakan sa Sablayan, Occidental Mindoro ini-vacuate po ang mga kababayan po natin doon dahil may barilan sa pagitan ng NPA at AFP,” dagdag pa ni Sec. Tulfo.

Nasa higit 200 pamilya o katumbas ng halos 1,366 indibidwal naapektuhan ang pamumuhay maging ang kanilang kabuhayan, pero agad naman silang inilikas at dinala sa evacuation center.

Food packs at hygiene kits ang laman ng ayuda mula sa DSWD.

Kasabay nito, namahagi rin ng P10,000 burial assistance ang ahensya sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa insidente.

Patuloy namang minomonitor ng ahensiya ang sitwasyon ng mga apektadong pamilya upang matiyak na sapat na natutugunan ang kanilang mga pangangailangan.

 

Follow SMNI News on Twitter