NAGHAHANDA na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa nationwide implementation ng Supplementary Feeding Program.
Sisimulan ang programa sa Hunyo para sa mga bata sa Child Development Centers (CDCs) at Supervised Neighborhood Play (SNP).
Mahigit 1.5 milyong kabataan ang makatatanggap ng mainit na pagkain at gatas sa loob ng 120 araw mula sa pondong mahigit P5.18B.
Partikular na saklaw nito ang mga batang edad 2–5 taong gulang sa mga CDC at SNP.
Sa pagpapatupad ng programa, sinusukat ang timbang at tangkad ng mga bata sa simula at pagkatapos ng feeding program.
Patuloy rin itong mino-monitor sa bawat feeding session.
Follow SMNI News on Rumble