DTI at BARMM, lumagda ng kasunduan para sa Halal Industry Development

DTI at BARMM, lumagda ng kasunduan para sa Halal Industry Development

LUMAGDA ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Department of Trade and Industry (DTI) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Ministry of Trade, Investments, and Tourism (MTIT) para sa Halal Industry Development nitong ika-10 ng Agosto.

Ayon kay DTI Secretary Fred Pascual, layunin ng naturang kasunduan na isulong ang pag-unlad ng negosyo sa mga target area ng BARMM.

Saad pa ng kalihim, ang mga proyekto at aktibidad na ito ay dapat magbigay ng mga serbisyo sa project beneficiaries na may kaugnayan sa livelihood, entrepreneurship, investment, financial literacy, marketing access at iba pang mga serbisyo.

Para naman kay BARMM Prime Minister Ahod Ebrahim, umaasa siyang ang kasunduan ay magsusulong ng pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon at bubuo ng mas mataas na kita at mas mataas na kalidad ng trabaho para sa mga mamamayan ng Mindanao.

Ang naturang partnership ay naka-target na tumulong sa higit sa 100 MSMEs, na dapat palakasin sa pamamagitan ng capacity building, business counseling, at mentorship leading bilang Halal practitioners.

Mababatid na ang Republic Act No. 9997 ay nag-aatas sa pagsulong at pagpapaunlad ng Philippine Halal industry.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble