HINIHIKAYAT ng Department of Trade and Industry (DTI) Bicol ang lahat ng negosyante sa syudad ng Naga at probinsya ng Camarines Sur na pumunta sa kanilang opisina o negosyo center sa iba’t ibang munisipyo upang matulungan ang mga itong magkaroon ng kapital sa pagnenegosyo.
Ayon kay Rodrigo Aguilar, DTI Regional Director Region 5, maliban sa pagpapalakas ng negosyo at development ng mga produkto, bukas ang ahensya sa pagpapautang upang makarekober ang mga establisyementong komersyal na naapektuhan ng pandemya.
Nilinaw ni Aguilar na nagdedepende sa negosyo at pangangailangan ng negosyante ang halaga na kanilang ipapautang.
Katuwang ang SD Corporation bilang financing arm ng ahensya upang maipagpatuloy ang programang pagpapautang sa mga negosyante na apektado ng pandemya.
Ayon sa datos, umabot sa 70% na mga negosyo ang nagsara sa buong rehiyon ng Bicol.
Sa kabila nito, kinumpirma naman ng ahensya na unti-unti nang nakakabangon ang mga negosyante sa buong rehiyon.
Nangako rin ang DTI na sa abot ng makakaya ng ahensya ay ipagkakaloob nito ang mga pangangailangan ng publiko partikular na sa pagnenegosyo.
(BASAHIN: Konstruksyon ng Bicol International Airport, 70.89% nang tapos)