NAGBIGAY ng babala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyanteng lalabag sa itinakdang ‘price cap’ sa bigas.
Ito’y matapos magreklamo ang mga tindera ng bigas sa merkado na malulugi umano sila kung susundin ang price cap ng pamahalaan na P41-P45 kada kilo ng bigas.
Ayon sa DTI, ang mga lalabag ay maaaring pagmultahin ng mula P500,000 hanggang P1-M.
Nakiusap din si DTI Assistant Secretary Agaton Uvero sa rice retailers na tumulong at magsakripisyo muna para sa mga mamamayan.
Dagdag pa ng kalihim, batay sa kanilang pag aaral ay puwedeng ibenta ang bigas sa naturang presyo na hindi malulugi ngunit hindi rin kikita.
Pagtitiyak naman ng opisyal na pansamantala lamang ang price ceiling habang hinihintay ang import na bigas upang magkaroon ng sapat na suplay sa bigas.