MARAMING negosyo ang nagsara sa unang araw pa lang ng muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Dahilan kung saan libo-libong empleyado rin ang nawalan ng trabaho.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), tinatayang aabot sa 16% o 160,000 sa isang milyong business establishments ang maaapektuhan kung papalawigin pa ang ECQ matapos ang Agosto 20.
Kaya panawagan ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na muling buksan ang ekonomiya para maiwasan ang malalang economic damages na dahilan upang mas dumami pa ang mawalang ng pagkakakitaan.
Kaya bilang suporta sa panawagang ito, iminungkahi ni DTI Secretary Ramon Lopez ang pagpatutupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.
Dagdag ni Lopez na pag-aaralan nila ang mga datos sa muling pagpupulong ng IATF ngayong linggo.
Kung manageable ayon kay Lopez ang COVID-19 cases sa Metro Manila ay posibleng magpatupad ng MECQ.
Kinokinsedera nila ani ng kalihim ang mga buhay ng tao sa muling pagbubukas ng ekonomiya upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng mga nahahawaan at namamatay dahil sa naturang virus tulad ng nangyayari sa bansang India at Indonesia.
Binigyang diin rin ni Lopez na kung marami na sa mga Pilipino ang nabakunahan o naabot na ng bansa ang herd immunity ay maaaring baguhin ang polisiya kung magpatutupad muli ng lockdown.
Suhestiyon nito na maaaring lumabas ng bahay ang mga bakunado habang ang hindi pa ay kinakailangan mag-stay at home.
BASAHIN: Distribusyon ng ECQ ayuda sa NCR, pinatitiyak na hindi magiging super spreader events—Eleazar